Friday, July 15, 2011

Ang Noble ni Edgardo M. Reyes

Nauukol ang pamagat sa takbo ng istorya.  At ito nga ang kasaysayan ni Ding na naglalaro sa pag-big ng ibat ibang babae na nagdaan sa kanyang buhay, magmula sa kanyang ninang, kinakapatid, naging asawa, at mga naging nobya.

MAG-AKDA

Si Edgardo M. Reyes ay si Edgar Reyes na tuwing Martes ay sumusulat ng kolum sa Balita na Kangkungan sa editorial-opinion pages. Kamakailan ay napilit ko siyang magsulat sa section na ito (nakabakasyon sa kasalukuyan dahil may sinusulat na [mga] libro).

Sa academe o mga nag-aaral ng literatura, siya ang isa sa limang kabataang manunulat na naglabas ng Mga Agos sa Disyerto (1964) -- ang apat pa ay sina Efren Abueg, Dominador Mirasol, Rogelio OrdoƱez, at Rogelio Sicat. Ang koleksiyon ng kanilang 25 maiikling kuwento ay kinikilala ng literary critics bilang isa sa pinakamahuhusay na aklat na humubog sa bagong panulatang Pilipino.

Si Edgardo M. Reyes ang sumulat ng Sa Mga Kuko ng Liwanag na itinuturing na “canon” o standard ng modernong nobelang Pilipino, isa sa pangunahing required reading sa mga kolehiyo’t unibersidad, isinalin sa iba’t ibang wika ng iba’t ibang bansa, at ginawang pelikula ni Lino Brocka (Maynila, Sa Mga Kuko ng Liwanag).

Bukod sa pagiging direktor ng pelikula, isa sa napakaraming script niya ang nagbigay kay Sharon Cuneta ng kauna-unahan nitong blockbuster hit (P.S. I Love You).

Kinamulatan ko ang pagbabasa sa mga akda ni Edgardo M. Reyes, sa Liwayway noong una at kinalaunan ay sa mga aklat. Sa aming unang pagkikita sa eleksiyon ng National Press Club noong 1989 (kaga-graduate ko sa Ateneo de Naga at kapapasok lang bilang proofreader/staff writer ng Liwayway), nakatabi ko siya sa inuman ng beer (blowout ni Tata Celo Lagmay, nanalong presidente ng NPC), at ‘di ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko nang sabihin ko sa kanya na “kasalanan” niya ang pagkakapasok ko sa literatura.

TAUHAN

Ding – ang pangunahing tauhan na nagkukwento sa kanyang buhay
Joey – ang partner ni Ding na may ari ng isang art shop sa quiapo
Carmen – ang ninang ni Ding
Dee – ang pinakamamahal ni Ding
Victoria – ang kaibigan ni Ding, ina ni Teng
Teng – ang batang iniwan kay Ding

PAKSA

Ang paksa sa nobela ay ang paglalaro sa baga ni Ding, and pangunahing tauhan, o ang pagkakaroon niya ng malay sa sekswalidad sa murang edad.  At ang kanyang sakit, na hindi nya binanggit sa nobela subalit malalaman mong naging sakit ang kanyang pagiging aktibo sa sekswal sa nobelang ito.


BUOD

Nagumpisa ang lahat sa murang edad na 4 ay may pakiramdam na si Ding sa kamunduhan o sekswalidad.  Ang kanyang Ninang Carmen ang kanyang unang pinagnasaan,

Maraming naranasan si Ding kahit pa sya ay bata pa, nalaman na niya kung paano gagamitin ang kanyang ari.  At dahil ang bahy nila ay paupahan ng mga estudyanteng medicine at Nursing  ay namulat sya sa mga kalaswaan.

Nag ampon ang ninang Carmen niya ng isang batang babae, ang pangalan nito ay Dee.  Naging kalaro sya ni Ding at tinuruan ni Ding ng maraming bagay.  Subalit ng sila ay nagkakaedad na ay tinuruan naman ni Ding ng kamunduhan si Dee at ang pag-ibig.

Inilayo si Dee ng Ninang Carmen nya at pinagaral sa Baguio samantalang si Ding naman ay patuloy na nag-aral ng High School habang nagtatrabaho bilang isang artist o pintor sa isang artshop sa quiapo.

Kumikita na si Ding ng Pera at ninais niyang wag ng ipagpatuloy ang kanyang pagkokolehiyo sapagkat alam nyang kikita pa rin sya ng pera kahit hindi na siya nag-aaral.

Pinuntahan ni Ding si Dee sa Baguio at ipinagpatuloy nila ang kanilang relasyon.  Si Dee ay second year high school na at sya at fourth year.  Kahit malayo ay nakuha ni Ding si Dee sa kanilang pag-ibig.  Nagsusulatan at nagtatawagan at minsang pinuntahan ni Ding si Dee ay nakuha nya ang pagka birhen nito.

Natuklasan ng mga kasambahay ni Dee ang tungkol kay Ding at pinadala si Dee ng kanyang ninang Carmen sa America para mag-aral.  Hindi iyon nakahadlang sa pagiibigan nila at patuloy silang nagsusulatan.

Samantala si Ding naman ay may nakilalang may ari ng isang sikat na art shop sa Makati.  Kinuha ang serbisyo nya at natuklasan nya na mas malaki ang kikitain nya kung dito na sya magtatrabaho imbes na kay Joey.  Subalit ayaw naman niyang iwanan si Joey ng ganun nlng at piangsabay niya ang trabaho niya sa 2 kampo.

Si Victoria, ang may ari ng shop na bagong pinapasukan ni Ding ay isang mestisa, maganda at sexy kaya di din maiwasan ni Ding ang gustuhing makuha si Victoria.  Subalit itoy mailap at wala syang ibang alam dito kundi ito ay isang negosyante at amo nya.

Lumaki ang kita ni Ding subalit lumaki rin ang kanyang gastos.  Umalis na sya kay Joey sa maliit nitong art shop at nagkalabuan sila nito.  May nakilala si Ding, isa sa kanilang kliyente ni Victoria na isang Matrona.  Binilhan sya nito ng Tornado isang saksakyan at ito ay kanyang pinagsilbihan sa kama.  Ngunit ng nagkaroon sya ng ideya na wala sa kanya ang rehistro ng sasakyan ay pinagsawaan muna nya ito at saka nya isinoli at tinapos na nya ang ugnayan nila ni Lydia ang matrona.

Natuklasan naman nya na may itinatagong sekreto si Vitoria.  Mayroon pala itong anak na nasa Baguio. At dito nagumpisang magulo ang mundo ni Ding sa pagtulong sa mag ina na hindi nya alam kung ano ang tinatakasan.  Maliit pa nuon si Teng mga 6 na taon ng kinuha ni Ding ang bata at iniluwas ng Maynila.  Nagkita sila rito ni Victoria at ipinakiusap na itago ang kanyang anak.  Pagkalipas ng ilang buwan at di pa nagpapakita si Victoria ay tumawag na si Ding sa kanilang shop.  Nagpakamatay pala si Victoria.

Naiwan si Teng sa kanyang kalinga iniuwi nya ito sa kanila at itinuring na anak.  Saka naman nakilala ni Ding si Emy.  Naging mag on sila nito at kahit mahiyain si Emy ay nakuha nya ito at nagkaroon ng Shotgun wedding.  Pinakasal sina Emy at Ding ng ama ni Emy dahil sa kasinungalingang buntis ito.

Nalaman ni Ding na si Emy ay ni rape ng kanyang kuya at muntik na itong maulit nung nagsasama na sila ni Ding subalit nasaksak ito ni Emy.  Umamin ito na hindi sya bunti at nagpatuloy si Ding sa kanyang buhay kahit pa inuuwian nya si Emy ay magkaiba sila ng kwarto.

Isang araw ay nagising sya sa sakit at nakita nya na hinihiwa ni Emy ang kanyang ari.  Nasaktan nya ito ay umalis sya upang ipagamot ang kanyang sugat na muntik ng maputol ni Emy.

Naging normal na ulit ang buhay nya kahit patago tago, wala na syang asawa at isang araw ay biglang dumating si Dee.  Sabi nga ng ninang nya nagwala ito ng matanggap ang sulat nya na sya ay nag-asawa na.

Ngayong nakita nya ulit si Dee naisip nya na mabubuong muli ang kanilang pagmamahalan kalimutan ang nakaraan at magsimulang muli, subalit mali sya ng akala. Mahal pa din sya ni Dee at naglaro sila habang ito ay nandito subalit kasal na ito at babalik na rin ng Amerika.

At ng siya ay nangailangan ulit ng tulong ng nawala na si Dee at si Teng na nag-asawa na sa edad 12 ay bumalik sya sa kanyang ninang.  At nakatalik naman nya ang kanyang ninang.  At sinabi sa kanya ng siya ay paalis na wala na syang babalikan pa dahil nakuha na nya ang gusto nya sa kanyang ninang.


URI NG NOBELA

Ang nobela ay isang pasalaysay at hindi maganda ang pagtatapos nito dahil walang patutunguhan ang pangunahing tauhan ng kwento.
Ang nobelang ito ay nagsasalaylay sa buhay ni Ding at sa kaniyang walang sawang pakikipaglaro sa baga.

NILALAMAN

Panlipunan – ang ginagalawang lipunan ni Ding sa nobela ay  
Kulturang pilipino – ang unang kultura na nakita ko rito ay ang relasyon ng magkaka maag anak at ang pagiging inaanak sa kanyang ninang at vice versa. 


IMPLIKASYON
Panlipunan

Makikita rito na maraming buhay ng mga kababaihan ang nasira ni Ding.  Magmula sa mga waitress na kanyang pinaibig, sa kanyang kinakapatid, sa kanyang ninang at sa isang singer sa clubs maging ang kanyang boss.

Makikita rito ang ibat ibang tao at kanilang ibat ibang katangian lalo sa sa pakikipagkumpetensya sa larangan ng pagibig.
Pangkabuhayan

Nalaman ko na magandang business ang talento ni Ding, ang pagpipinta kahit pa uso na ngayon ang kompyuter ay marami pa rin ang tumatangkilik sa mga pintor.
Pansarili

Nalaman ko rito na hindi lang pala sa panahon ngayon ang mayroong karanasan tulad ni Ding.  Noon pa pala nangyayari na ang mga kababaihan ay naabuso ng kanyang kapwa Pilipino at ng lalaking kanilang minamahal.  At naisip ko sa kwentong ito ni Ding na sya ay may sakit at nais nyang ang lahat ng babaing dumaan sa kanya ay kanyang matitikman sa pamamamagitan ng pakikipag talik sa mga ito.

MATALINHAGANG PAHAYAG

LARO SA BAGA

Mahilig si Ding na maglaro sa baga kung kayat siya ay wala ng direktang patutunguhan at wala ng babalikan pa sa kanyang mga nakaraang mahal sa buhay.

Dahil sa paglalaro ni ding sa pag-ibig nawala sa kanya ang kanyang pinakamamahal na si Dee, ang kanyang Ninang na minsan na nyang inangkin, ang inangkin niyang anak na nag-asawa ng maaga at higit sa lahat ang kanyang sariling wisyo.
REKOMENDASYON

Itong nobelang ito ay nirerekomenda kong basahin ng mga taong nasa hustong gulang na.  sapagkat may mga maseselang eksena sa loob ng nobela na  nararapat lamang mabasa ng isang taong may hustong pagiiisip tungkol sa mga pangyayari sa loob ng nobela.

Maganda ang nobelang ito at madaming mapupulot ritong aral lalo na sa larangan ng pagiging makatao at sa pag-ibig na tunay at dakila.
ANG SARAP BASAHIN NG NOBELANG ITO NAKAKATUWA AT KAKAIBANG BIDA ANG NANDRITO LARAWAN NG ISANG MAPAGLARONG FILIPINO NA LUMAKI SA MALISYA

No comments:

Post a Comment